Asia Physical Therapy Student Association (APTSA)
Introduction in All Languages
Filipino

中文   Pilipino   Burmese   日本語

Panimula: (Introduction)
"Tayo ay magtulung‐tulong at sama‐samang paunladin ang physical therapy!" Dahil sa pag‐usbong ng iba't-ibang samahan ng mga mag‐aaral ng PT sa bawat sulok ng mundo, napapanahon na sa ating mga mag‐aaral ng PT sa Asya na magsama‐sama tungo sa isang epektibong ugnayang internasyonal. Naaangkop din ang ugnayan na ito upang mapaunlad ang edukasyon ng physical therapy sa mga bansa sa Asya. Makakatulong din ito upang mapalawak ang ating mga kaaalaman at oportunidad sa pag‐aaral ng PT. At dahil diyan, nabuo ang APTSA para sa inyong mga mag‐aaral ng PT sa Asya.

Mga Tagapangasiwa (Committees)
Lupon ng mga Tagapangasiwa: (Executive Committee)
Punong Himpilan (Headquarters)


Mga Nakaraang Pagpupulong: (Previous Congresses)
Ang Unang APTSA Congress ay naganap sa National Taiwan University (NTU) sa bansang Taiwan noong 2010. Ito ay dinaluhan ng isandaang mag‐aaral mula sa Hong Kong, Japan, South Korea, Singapore, Thailand, Malaysia, Pilipinas, Indonesia at Taiwan. Sa pagpupulong na ito, nahirang na unang pangulo ng APTSA ang isa sa kinatawan ng Japan na si Kazuya Yoshimura. Nabuo din dito ang punong himpilan ng APTSA (headquarters) at napagkasunduang italaga ito sa NTU, Taiwan. Ang punong himpilan ang syang naatasang magpanatili ng operasyon ng APTSA. Ang Ikalawang APTSA Congress ay naganap sa Kyoto University sa bansang Japan noong 2011. Ang Ikatlong APTSA Congress naman ay naganap sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) sa Pilipinas noong 2012. Ang mga taunang pagpupulong na ito ay karaniwang binubuo ng mga pagbisita sa lokal na mga ospital o klinikang may PT. Nag‐iimbita din ng mga ekspertong panauhin upang magsalita at magbigay karagdagang kaalaman ukol sa PT. Mayroon ding isang gabi ng pagsasalu‐salo ng mga mag‐aaral upang ipamalas ang kultura ng bawat bansa. Ito ay isang masayang karanasan para sa lahat ng mag‐aaral ng PT sa Asya na magkakila‐kilala at maging magkakaibigan.

Opisyal na Website: (Official Website)
Sa opisyal na website ng APTSA makikita ang mga pinakabagong ulat tungkol sa organisasyon. Dito rin makikita ang kasaysayan, layunin, mga kasalukuyang miyembro at saligang‐batas ng APTSA. Makikita rin dito ang mga nakaraang pagpupulong at gawain ng organisasyon. Maaari kayong makipagugnayan sa sa amin mula sa mga impormasyong makikita sa website na ito. Ang website ay kasalukuyang pinananatili ng punong himpilan sa NTU, Taiwan.

Paraan ng Pagrehistro: (Registration System)
Kung nais mong maging miyembro ng APTSA, bumisita lamang sa website at pindutin ang "Registration" at sundin ang mga makikitang panuto. Piliin mo muna ang uri ng "membership status" na nais mo. Sunod ay basahing maigi ang saligang batas bago punan ang "application form." Pagkatapos, tignan mabuti kung napunan mo ng tama ang lahat lalo na iyong mga dapat punan bago ipasa ang application. Magpapadala sa iyo ang punong‐himpilan ng liham ng pagkumpirma ng iyong application sa loob ng isang linggo sa iyong email. Sa kasalukuyan, wala munang taunang kabayaran ang hinihingi ng organisasyon ngunit asahan na magkakaroon nito sa hinaharap. Kung nais magbago ng "membership status," maaaring magpunan muli ng application form. Magparehistro na at kayo’y malugod naming tatanggapin!

Mga Pananaw sa Hinaharap: (Future Perspectives)
Ang Ikaapat na APTSA Congress ay gaganapin sa Taichung, Taiwan mula ika‐4 hanggang ika‐5 ng Setyembre, 2013. Ito ay isa muling pagkakataon para sa bahagian ng kaalaman at kultura ng bawat isa, at pagbuo ng ugnayan at pagkakaibigan. Sa pagsasama ng konsepto ng "globalization" at pagtataguyod ng edukasyong PT sa Asya, ang APTSA ay umaasa na hindi lamang mapabuti ang kalagayan ng pag‐aaral ng PT sa bawat bansa ngunit pati ang magtaguyog ng ugnayan sa mga kapit‐bansa at kani‐kanilang lokal na organisasyong pang‐PT. Kami ay umaasang mahimok ang bawat mag‐aaral ng PT para sila ay maging dedikado sa pagpapaunlad ng edukasyon ng PT sa Asya at pagpapabuti ng kalusugan ng bawat tao.

Pagpapasalamat: (Acknowledgement)
Ang punong‐himpilan ng APTSA ay sinusuportahan ng "School and Graduate Institute of Physical
Therapy, College of Medicine, National Taiwan University, Taipei, Taiwan.

Mga Larawan: (Photo gallery)